Thursday, July 9, 2015

Meme-Ah



Ang pag gamit ng nguso o labi sa pagturo ng isang bagay o lugar. Isa itong kaugalian na makikita lamang sa mga Pilipino. Napili ko ito dahil isa ito sa mga "unique" na katangian nating mga Pilipino.




Ang pagtango at ang pagtawag ng "Hoy" sa taong kakilala sa tuwing makikita o makakasalubong. Kahit na may pangalan ang bawat isa ay basta tawagin mong "Hoy" ay lilingon ito. Sa Pilipinas lamang may ganito.






Ang paggamit ng kamay sa tuwing dadaan sa gitna ng dalawang taong nauusap o nanood ng tv. Isang repesentasyon na isa kang Pilipino sa tuwing ginagawa mo ito.





Napili ko ang mga kaugaliang Pilipinong ito sapagkat nakita ko ang "tatak" Pilipino sa mga gawaing ito. At hindi mo maikakaila na hindi ito totoo. Madami akong nabasa na artikulo kung saan ang mga katangiang ito ang madalas mapansin ng mga banyag sa tuwing sila ay makakahalubilo ng mga Pilipino at makakapunta sa ating bansa.