Thursday, June 25, 2015


Pilipino nga ba ako?


Sino nga ba ako? Ang sabi nila'y isang Pilipino, pero ano nga bang batayan ng pagiging isang Pilipino? Ito ba ay nakikita lamang sa panlabas na anyo? kung paano manamit? magsalita? o gumalaw? Ito lang ba ang batayan natin upang masabi nating tayo ay isang Pilipino? Sabi sa Quizlet.com ang mga Pilipino ay magalang, matulungin, masipag, mapamaraan at iba pa. Masasabi kong ito ay totoo ngunit sa paglipas ng panahon at may pagbabago ding nagaganap o nangyayari sa atin na maaring makaimpluwensya sa ating mga katangian o pananaw. 

Bilang isang estudyanteng Pilipino, masasabi kong madami akong kahinaan bilang isang Pilipino, ilan na rito ay gaya na lamang nang madali akong maimpluwensyahan ng mga kanluranin na kaisipan mapatelebisyon man o libro. Madali akong mahikayat ng mga ito pagkat bilang isang teenager sa panahon ngayon ay may panahon na gustong makisabay sa karamihan at dahil nagiging dominante na rin ang mga kanluranin na kaisipan ngayon dahil na rin sa pagtangkilik sa mga ito. Isang dahilan ay dahil sa pagiging sikat ngayon ng mga "social media" sa mga kabataang tulad ko. Kung ang panahon noon ay libro ang madalas na hawak ng mga kabataan ngayon ay puro "gadgets", ang paglalaro sa labas ang nagsisilbing daan upang makapaglibang ngayon ay ang mga "facebook","twitter","instagram" at marami pang ibang site na makikita lamang sa internet. Ang akin namang kalakasan bilang isang Pilipino ay ang pagmamahal ko sa aking pamilya. Isa itong katangian ng isang Pilipino na sa tingin ko ay hinding hindi maalis sa isang tao, lalo na't pinalaki tayo ng ating mga magulang na maging mapagmahal lalo na sa pamilya. Pamilya ang pinakaimportante sa mga Pilipino dahil ito ang nagbibigay lakas at inspirasyon para sa kanila. Bilang isang estudyante, ang aking pagaaral ng mabuti ang isang susi ko upang maipakita sa aking pamilya na mahalaga at mahal ko sila. Isa rin sa aking paraan ng pagmamahal sa aking pamilya ay kapag nakapagtapos ako ng aking pagaaral ay papaltan ko ng ginahawa ang mga paghihirap na kanilang isinakrispisyo para akin. Ito nga yata ang pinakamagandang katangiang pamana ng mga ninuno natin. 

Tama nga ba akong sabihan bilang isang Pilipino? Sa aking palagay ay oo, dahil kung may kahinaan man ako bilang isang Pilipino ay kaya kong kontrolin at mas maganda'y baguhin ang mga ito. Hindi man mabilisan ngunit gagawin ko ang lahat para ito ay matugunan. Ang pagiging isang Pilipino ay madaming batayan, ngunit ang pagiging isang Pilipino ay nakakataba ng puso dahil kahit madami tayong pinagdadaanang sa buhay ay hindi natin kakalimutang tumawa o ngumiti. Isa rin itong katangian ng Pilipino na kahit ano mang problema ang ating hinaharap ay nakukuha pa nating tumawa at maging maayos ang ating buhay. Bilang pagtatapos, masasabi kong ako ay isang tunay na Pilipino. 





https://quizlet.com/6006610/mabuting-katangian-ng-pilipino-flash-cards/